Gretchen Barretto reveals how Kris Aquino help her friend to fix BIR problems through PNoy

Matindi ang ang rebelasyon ni Gretchen Barretto sa kanyang Instagram video patungkol sa isang businesswoman na si Alice Eduardo. Si Alice ay ang founder, president and CEO of Sta. Elena Construction and Development Corporation.

Ang Sta. Elena Corp. ay isang “AAA-rated general contractor specializing in foundation engineering, power plants, ports and harbors, and roads and bridges.” Si Alice ay common friend nina Gretchen at Kris. Ayon sa rebelasyon ni Gretchen, tinulungan umano ni Kris Aquino si Alice upang maresolba ang kanyang problema sa taxes.

“Nagbabayad tayo ng tax, nagbabayad ka ng tax, nagbabayad rin ako. Hindi naman tayo nakikisawsaw. Ako, hindi nakikisawsaw sa buhay ng ibang tao kung hindi naman nila isinasawsaw ang buhay nila sa akin. Many times over, nagsawsaw po ang isang Kris Aquino sa buhay ko. I’d like to answer that, pero let’s talk about the taxpayers’ money.Hindi ako babanggit ng totoo hangga’t hindi niya aminin ang totoo.”

“Ako naman kasi, I’ve always been transparent. I don’t have reason to lie. I don’t want to lie. It’s easier to say the truth. Ate Alice Eduardo has always been my friend. Wala kaming alitan ni Alice Eduardo. Sa kapatid niya, meron kami alitan, for businesses. I don’t want to disclose for now, unless i-disclose nila.”

Tinatawag siyang “sawsawera” ng mga kakampi ni Kris, sabi ni Gretchen, pero di hamak daw ay “mas sawsawera” si Kris.

Pahayag ni Gretchen sa IG Live: “Ladies and gentlemen, ano ba ang sinasabi ng ating pinakamamahal na Drama Queen na si Kris Aquino?

“Ang sinasabi niya, e, nadamay siya. Hindi po siya nadamay, idinadamay niya ang sarili niya. Kung sinasabi niyo na sawsawera ako, mas sawsawera siya. Hindi po ako nagsasawsaw sa suka kung hindi niya isinawsaw ang kanyang buhay sa aking buhay. Ako po ay nananahimik, matagal na. When she was in power, ladies and gentlemen, isinawsaw niya ang kanyang fingers sa aking buhay many times over.”

Pagkatapos nito ay isiniwalat ni Gretchen ang ginawa raw ni Kris na espesyal na pagtulong kay Alice nang magkaproblema ito sa taxes.

“Sinasabi niya, Alice Eduardo… okay, I hate to do this because Alice Eduardo means a lot to me also. Si Alice Eduardo po, many years ago, a few years ago, had trouble with her tax. I don’t want to say it, but I will say it anyway, because that’s me—ako po ‘yan. Nagkaproblema po si Alice Eduardo sa tax niya po dito sa Pilipinas. She was being charged lots of millions or billions of pesos po, at tinulungan po ni Kris Aquino. If I’m not mistaken po, para mapababa ang kanyang ibabayad kay Kim Henares o sa gobyerno po natin. Yun po ang nangyari.”

“So, I’d like to tell the truth, ako naman honest. Sila po ang pinag-uusapan natin. Ang sa akin kasi, I didn’t want to tell the truth, ginaganoon-ganoon ko lang, kasi there’s always a reason kung bakit tayo sumasawsaw. Ayokong magsawsaw, pero meron tayong pinanggagalingan. Whether you bash me or not, I really don’t care, but at this point, I will really tell the truth.”

“Kris, kung talagang mahal mo ang Pilipino at ang buong Pilipinas, sana pinrotektahan mo ang mamamayang Pilipino because, at that time your brother Abnoy was in power, he was the President of the Philippines. E, di ba dapat kung kailangan magbayad si Alice Eduardo ng kanyang tax, na tayong mga Filipino people ang talagang—how do you say it in Tagalog?—we will reap the benefits.”

“Pero alam mo, tinulungan kasi ni Kris Aquino at that time si Alice Eduardo sa kanyang tax, na bumaba ang ibinayad ni Alice Eduardo sa tax niya. Alam namin yun dahil ipinagkakalat din ni Alice Eduardo at ng kanyang mga kapatid na tinulungan ni Kris Aquino.”

“I am a Filipino. We all pay taxes, we all work very hard. So, my point is, pinrotektahan ni Kris Aquino [si Alice] when she said, ‘Hello, Ate Alice.’ Whatever, Girl, you love her so much, in exchange of bags and clothes and shoes—and that’s so not fair.”

“I hate to loathe [you when] you’re suffering right now, because we don’t like that. We don’t like that. We don’t loathe [somebody] when somebody is suffering because that is karma. But, right now, that is what’s happening. You know what you do, what you did out in this universe, you will reap…Kung ano po ang nangyayari ngayon, I mean lahat naman tayo may pag-iisip, pag-isipan niyo po whatever is happening to us right now.”

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news and viral updates, feel free to visit our site often.

Thanks for dropping by and reading this post.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *