Matapos mabuqb0q ang kapwa pulis sa Iloilo, isa pang pulis naglabas ng saloobin sa mga mapang-alipust4

Katakot-takot na kaso ngayon ang kinakaharap nina Iloilo Rep. Richard Garin at tatay nito na si Guimbal Mayor Oscar Garin matapos na b*gbug1n at pagbantaan pang babarilin sa town plaza ang isang pulis.

Kinukondena rin ang mag amang pulitiko ng mga netizen matapos na pumutok ang balitang binugbog at pinahiya nila ang si PO3 Federico Macaya Jr. Miyerkules ng madaling araw.

Agad namang nagbigay ng pahayag ng suporta si Chief Supt. John Bulalacao, regional police director at sinabing hindi niya hahadlangan ang pulis kung nais nito na mag sampa ng kaukulang reklamo laban sa mga umalipusta sa kanya.

Ipinag utos din ni Bulalacao na tanggalan ang mga Garin ng police escort matapos ang pangyayari.

Samantala, nag trending ngayon ang isang Facebook post mula sa isang pulis na si Guiseppe Tamayo dahil sa mala-hugot nitong patama sa mga taong mahilig mang mata ng kapulisan.

Nagpasalamat rin si Tamayo kay Bulalacao dahil sa kanilang mga kapulisan at nanawagan na sila ay irespeto.

“Respeto lang po sa ating kapulisan, anu man po ang estado o narating natin sa buhay. “Pulis Ka Lang!!”. Opo Pulis lang po kami, anumang masasakit na salita o pang lalait nyo sa amin, Sa amin pong mga puso Isang Tawag Nyo Lang At Darating Kami, Dahil…Pulis Nyo Po Kami” ayon pa kay Tamayo

Basahin ang buong post ni Guiseppe Tamayo:

Pulis Ka Lang!! Yan ang palagiang nakasanayan, upang maliitin ang ating Kapulisan, “kami ang nagpapasahod sa inyo!!”. “Pulis Ka Lang!!”. Opo Pulis lang po kami, Pulis ng makabagong panahon, Pulis na kung minsan mataas pa ang pinagaralan sa mga taong umaalipusta sa amin. Opo Pulis lang po kami, Pulis na kung minsan mas malaki pa ang ibinabayad naming Buwis kesa sa binabayaran ng taong humahamak sa amin.

Maraming Salamat po Sir PCSUPT JOHN C BULALACAO Sir, sa pagtatanggol po sa ating kapulisan at sa unipormeng ating pong pinaghirapan. Kung saan, may taong iilan, na hindi alam ang kwento ng anting uniporme at kanyang pinag daanan, kaya ganon na lamang nila ito kung “duraan”. Sa mga katulad po ninyo Sir PCSUPT JOHN C BULALACAO, humuhugot ng lakas ang ating kapulisan upang ipagpatuloy po ang ating mga laban.

“Hindi Ako Galit Sa Kanya, Galit Ako Sa Ginawa Nya”

“Yung Sinampal Ng Dalawang Beses Sa Mukha Yung Pulis At Dinuraan, Hindi Ako Papayag Na Ganyan-Ganyanin Nya Lang Ang Mga Pulis”

-PCSUPT JOHN C BULALACAO

Respeto lang po sa ating kapulisan, anu man po ang estado o narating natin sa buhay. “Pulis Ka Lang!!”. Opo Pulis lang po kami, anumang masasakit na salita o pang lalait nyo sa amin, Sa amin pong mga puso “Isang Tawag Nyo Lang At Darating Kami, Dahil…Pulis Nyo Po Kami”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *